Baka Pwede Pa

Anong tanong ang may pagsuko at pag-asa
Sana pwede pa
Na kapag gumising ako ng maaga ay tatambad sa akin ang balita na
Pwede pa
Pwede pang dagdagan ang araw ko
Na kahit ilang beses kong gusto ay
Pwede pa akong makalapit sa’yo

Pwede pa
Pwede pa naman dahil may ilang linggo pang nalalabi na
Makasama ka mula gabi hanggang umaga
Makasama ka’t buuin ang iba’t ibang storya ng pagtawa, pag-iyak at pag-iyak at pag-iyak
Sa paglaban na gusto ko pang tagalan ang pananatili
Pero hindi
Hindi ko na pwedeng hilingin

Pero pwede pa naman akong humiling ‘no
Na sana naman
Magkaron at dumating ang tyempo
Na bago ako tuluyang tumalikod
Ay sa harap ko man lang o gilid o kahit sa malayo
Ay bumulong ka o sumigaw at tinatanong sa akin na
Baka pwede pa

Baka pwedeng balikan ang nakaraan ng sa gayon hindi ako lumalaban
Wala akong iniiyakan, iniiwasan
Iniiwasan na sakit kasi tapos na
Ano pa bang gagawin kundi ito na
Ang ginagawa ko ngayon na magtanong ng paulit ulit ulit ulit na pwede pa ba
Pwede pa bang bumalik sa tanong mong baka pwede pa
Pwede ba ‘kong maging tanga?

Hindi pwede kasi tanga nga talaga
Ako
Sa paghaya ng mga pagkakataon na itapon
Ako
Na ang tanga sa patuloy na ipinaglalaban ang sarili sa’yo na baka pwede pa
Sana pwede mo pa akong kailanganin
Ako na ang tanga sa pagpapaisip sa’yo na baka hindi mo kayaning wala ako
Pero kaya mo
Kayang kaya mo

Sana kaya ko
Baka kaya ko rin na balewalain nalang ang lahat ng ginawa ko
Tulad ng ginawa mo
Sana kaya ko
Sana kaya ko nang talikuran ka ng tuluyan at hindi na ko nagtatanong na baka pwede pa
Ito na ang huling tanong
Pwede pa ba?
Ito na ang huling sagot
Pwede pa kitang makalimutan

 

2nd piece
Created last March 1 on the bus

1st piece: Pinili kong wag nalang // August 2016

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s